Tuesday, November 20, 2007

Kaibigan lang pala

Tila baga may luwalhati akong nadarama
Kapag ikaw ay nakakadaupang palad.

Tila baga may suson-suson na ligaya
Kapag naririnig ko ang iyong tinig.

Tila baga may pananabik sa aking puso
Kapag nadarama ko ang iyong pagkagiliw.

Tila baga may kirot at hapding nadarama
Kapag natatantong kong ang turing mo ay

Kaibigan lang pala.

No comments: