Wednesday, August 1, 2007

Maligayang Kaarawan, Jet

MALIGAYANG KAARAWAN, JET
Agosto 1, 2007

Ang likha ng hangin ay banayad na halik
Sa dakila mong puso, damdaming kay bait.
Nawa ay masumpungan mo ang galak na hatid
Ng mga diyos sa olimpong katulad mo ang hawig!

Sa sandaling ikaw ay nakilala ng lubusan
Tiyak ko na ang sandaling ikaw ay nararapat,
Na haplusin ng tagumpay ng dakilang tadhana
At lasapin ang ngiti ng isang bagong umaga!

Walang ginto o pilak man na ako ay maiaalay
Sa araw na ito na iyong kaarawan.
Nawa itong tula na sa iyo ay inilaan,
Magsilbing moog ng ating pagkakaibigan!